Iwhite BB. Holic (Everyday BB Cream)

Ito ang paborito kong bb cream ngayun. Alam nyo na.... 
Bukod sa korean drama, korean food...na hook na rin ako sa korean skincare.
At ang una kong sinubukan sa Iwhite korean products ay itong kanilang bb cream. Nagustuhan ko agad ang coverage nya. Dalawang shade ang available - beige and light. Noong una kong bili walang available na beige sa 7-11 kaya light yun na try ko pero okay naman ito, hindi naman masyadong maputi sa mukha ko.

PHP 24.50 lang ang isang sachet. Umaabot ng 1 week sa akin kung everyday ko gagamitin konti lang kasi akong maglagay lalo na ng gumamit na ako ng iwhite facial cream kasi medyo may tint na white na iyun.



Parang konti lang yun pagka-iba ng beige at light shade.


Eto yun product description sa likod:



Available din sa tube kaso di ko pa na check yun price.

Comments

Popular Posts